GM
May iba’t ibang uri ng group message. Minsan may sense, minsan wala. Minsan masarap basahin, minsan ang sarap i-delete kahit hindi mo pa nababasa. Eto lang naman ang napansin ko sa mga nagg-gm:
- Copy Paste
Eto yung mga nagg-gm na nanggagaya lang ng quotes, banat o jokes. Kapag may nag-gm sa kanya, kukunin kaagad yung quote at siya naman magg-gm nito. Minsan lalagyan ng credits, minsan wala.
- Diary
Eto naman yung nag-ggm na talagang binabahagi kung ano ang nangyayari sa kanila. Minsan matutuwa ka dahil makakapulot ka ng chismis, minsan wala ka lan paki.
- Puro mentions
Nakakainis ang mga nag-ggm ng ganito. Uso kasi PM diba. Puro:
- @juan: hahaha HI!
- @pedro: Musta ka na?
- @budoy: Umutot ka na ba?
- GM na parang PM
Minsan halata mong PM, minsan hindi. Yung tipong
- “Uy! Ano Assignment?”
- “Hello. Text tayo.”
- “Tulog ka na ba?”
Isa din ‘to sa mga kinaiinisan ng mga tao.
- Greetings
Simpleng “Good Morning” o “Good Evening.” Basta may masabi na okay na.
- Patama
Lahat ata tayo gumagamit nito. Minsan patama kay crush o di kaya kay kaaway. Gumagamit tayo ng quote o kaya banat para sa pangpatama. Minsan yung hush tag sa ilalim.
- “Mamatay ka ng malandi ka.”
- “Plastik mo”
- “I love you *toooot*
- “Nandito lang ako, wag ka na sa kanya!”
- Normal mag-gm
Yung tipong may simpleng quote, greetings sa ilalim, nag-iinbita makipag-text, at may patama sa ilalim.
- Concert sa GM
Eto naman yung nag-ggm ng mga lyrics ng kanta. Pagkahaba-haba. Kairita lang.
Kaya kung mag-ggm ka, lagyan mo ng sense para walang mairita sayo. :)
Source: banatera101

