Tips para mapansin kaagad ang blog niyo:
- Catchy URL
Yung simpleng URL lang. Wag ng pahabain para mabilis matandaan. Kasi kapag sentence ang URL niyo, mahirap basahin at mahirap din matandaan. Kaya paano namin mavi-visit ang blog niyo ng madalas?
- Wag puro reblog
May mga bloggers kasi na kagaya ko na mas hinahanap ang mga blogger na nage-effort gumawa ng own post/quality post. Pero depende naman yan sa inyo eh. Kung gusto niyo maging reblogger habang buhay o hindi. :)
- Wag gawing forum ang blog
Yung tipong puro question at answer ang laman ng blog. Halos wala ka ng makitang mga post. Uso kasing mag-answer privately diba.
- Magpa-describe/follow/check blogs
Eto lang naman ang hinihintay ng lahat diba? Sino kaya ang ayaw magpa-check blog sa isang famous at nagbabakasakaling i-follow kayo? Sino kaya ang ayaw makatanggap ng puri?
- Theme
Minsan may mga bloggers na tinitignan muna ang theme. Kasi sa theme, malalaman mo na kung anong klaseng blogger siya. Kapag maraming burluloy sa theme niya at napaka-jeje, alam niyo na kung paano siya mag-blog. Kapag simple lang at ang sarap tignan, ayan ang mga magagandang mag-blog.
- Ayusin ang pag-type
Hanggang maari, ayusin natin ang pag-type natin. Wag jeje. Wag gumamit ng “xD”. Wag din mag-type„ na parang ganito.!! Ang panget sa mata diba? Kaya ayusin natin ang pag-type natin para ganahan ang mga readers niyo na basahin ang mga post niyo. :)
Source: banatera101

